Tol, Bumoto Ka.

Sa Mayo 13, eleksyon na naman. Ibig sabihin, dadating na naman ang ating pagkakataon para baguhin ang takbo ng Pilipinas. Mabibigyan na naman tayo ng isang boto, isang boses, para maiupo ang mga taong may tunay na kakayanan para mapaunlad pa ang bansa. Seryosong bagay ang pagboto sa halalan, kaya nakakalungkot na maraming kabataan ang hindi sumeseryoso dito. 

Gasgas man pero gusto ko pa ring gamitin ang sinabi ni Rizal na 'kabataan ang pag-asa ng bayan.' Kabataan ako at naniniwala akong nasa atin ang desisyon para maging tama ang lahat. Mas kritikal kasi tayo. Mas hindi agad naniniwala. Mas rebelde ang pag-iisip. Mas may kakayanan na sumunod sa kung ano mang gusto natin talagang gawin. 

Sa mga ganitong panahon, mas alam natin kung sino ang dapat na nasa pwesto.

Gut feeling siguro ang dahilan. Mas matinik ang pakiramdam nating mga kabataan eh. Dahil sabi nga ni Bob Ong, lahat tayo ay nasa panahon na lahat eh pinagduduhan. Marami tayong tanong na kailangan munang masagot bago tayo magtiwala. Marami tayong kailangang pruweba bago tayo maniwala. Marami tayong requirements na kailangan maipasa bago natin sabihing 'okay' ang isang bagay. Sa unang tingin, hindi ganoon kaganda ang dating ng katotohanan na `to, pero pagdating sa pagboto, ito ata ang pinakamabuting bagay.

Ibig sabihin, hindi tayo madaling maloloko.


Bilang kabataan, tungkulin natin na makiparte sa mga usaping pambansa. Dadating kasi ang panahon na henerasyon na natin ang papalit sa mga nagpapatakbo ng lipunan natin ngayon, at ayokong lumingon sa mga susunod na kabataan habang sinasabihan na wala tayong nagawa para sa kanila. Bilang isang tao, ayokong ibigay sa kanila ang bigat ng responsibilidad ng pagbabago. Ito ang nangyari dati kaya nasa atin ang responsibilidad ngayon. Kaya na naman nating baguhin eh, bakit hindi pa gawin?

Sawang sawa na ko sa ganitong lagay ng bansa; at alam ko kayo rin. Kung hindi magagawa ng mas matatanda sa atin na pagandahin ang Pilipinas para sa ating mga kabataan, eh di tayo na lang ang gumawa para sa sarili natin. Huwag tayong magpaapekto sa ideyang 'bata lang tayo, wala tayong alam'. Pakana lang `yon ng ibang takot sa tunay na lakas ng kabataan. Alam natin ang dapat gawin at kaya nating gawin yon. Tamad lang talaga tayo minsan. 

Kaya tol, bumoto ka. Kahit isang araw lang, pumila ka at makihalubilo sa mga tao. Kahit sinasabi ng iba na 'isang boto ka lang', pangatawanan mo pa rin. Magkaroon ka ng pakialam sa bansa mo. Magkaroon ka ng pakialam sa pagiging tao mo. 

Dahil bukod sa isa kang kabataan, isa kang Pilipino. 

A Fan Girl's Sad Life


If you are a KPOP fan, you might have passed through this crack chat in Tumblr already. When I first read it, I thought it was the funniest thing. The 'what' part really got me and it took me quite a few hours to get over it. But after repeatedly coming across it and since I am endowed with the great tendency to over-think things, I realized that this is not just a simple joke.

It's the sad reality of being a KPOP fangirl.

How we come to be this serious in our addiction, I can't really justify. We can always say that we love our oppars because they changed our lives - and then we all will stop there. Honestly, how can we point out to others how we feel? Words aren't really enough to explain it all. As I've said before, one has to be in this world to understand the nature of KPOP fans. 

Nonetheless, we make obvious our undying love to our idols. Aside from spending ridiculous amount of money on albums, merchandises, concerts, fan supports, and gifts, we also put them on pedestal and look up to them as great inspirations. While many can handle the fact that it will always be a one-sided love, some go way past the boundary line. 

They are often called 'delusional', something which can compare to 'Mudbloods' in Hogwarts. But we all have been delusional at one point of our lives as KPOP fangirls. All of us have been - or are still - the 'ME' in the conversation. It's a sad thing, especially because everything there is true.

Non-KPOP fans would never understand, and we will constantly be judged. They'll say it's crazy and pointless; but then what makes sense? Though engaged in a one-sided love, I am proud to say that most KPOP fangirls at least know and experienced it unconditionally. We do not assume. We do not expect. We stay patient. We keep promises. We are contented with simple attention.

Come on. Isn't that what's love supposed to be?

Sure, KPOP fangirling may seem like a joke to many people. Sometimes, it is to us too. But then, I hope people would stop the prejudice that we're crazy and all we do is have fun and make jokes like this. Because you know, it can be very sad being like this. 

Only, it's worth it.